Nang pumunta si Nanay sa Internet Cafe
Kwentong driver:
“Nong, may sais ka? Pahingi muna …”
(Iniabot ng driver ng jeep ang sais pesos, ibinayad ng babeng payat sa traysikad na sinakyan. Sumakay na ng babae sa jeep, sa unahan, sa tabi ng driver at iniabot ang buong isandaang piso, umusad ang jeep).
“Hm, nanghatag sila ani o, libre, tagpila na ba ni karon, singko?” Tanong ng driver, ipinakita ang isang sachet ng palmolive shampoo.
Tiningnan ng babae, “Ah, promo.”
“Dun sa may simbahan sila nanghatag,” sabi uli ng driver.
“Sa simbahan?” Tanong ng babae.
“Oo,” sagot ng driver.
Matagal na walang imikan.
“Pasabot na wala’y ligo ang mga nanimba,” tahimik na sabi uli ng driver.
Napahalakhak ang babae.
“O,” inabutan ng driver ang babae ng otso pesos. “Pila pa’y kulang?”
“Ha?” Mabilis na nagkwenta ang babae sa isip, isinoli ang piso sa driver, “Bale, otsenta pa Nong, kasi sais plus syeteng pliti di ba?”
Kumuha ang driver ng mga nakarolyong bibenteheng piso sa may itaas niya, iniabot sa babae,
“Ang hirap naman ng biglang natatanong,” sabi ng babaeng nakangiti.
“Uy, Tagala ka pala. Tagasaan ka sa Luzon?”
“Sa Laguna.”
“Laguna! Uy tagaroon ang kapatid ko a, pero malaki ang Laguna.”
Humarap ang babae sa driver, “Talaga Nong, saan doon?”
“Sa St. Cross.”
“Ah, sa Sta. Cruz, maganda roon.”
“Talaga,” sabi ng driver, “sa unahan ng Pila, malamig.”
“Pumupunta pala kayo doon?”
“Pag pumupunta ako doon, inaabot ako ng apat o llimang buwan, nakakaabot ako sa Pagsanjan, sa Paete…”
“Uy, sabi ng babae, maganda pa rin ba ang Pagsanjan Falls?”
“Ewan ko ngayon, matagal na akong di nakakapunta uli. Nakarating din ako sa Lake Caliraya…”
“Ahh, yan ang talagang maganda Nong, sa Paete naman, dun ang mga wood carvings.”
“Oo, nakarating din ako sa Sta. Maria, sa dulo na yata yon. Pero maraming mga debelray doon.”
“Hups,” napangiti ang babae, “Teka Nong, ano na naman yang sinabi nyo?” ahh, nag-iisip ang babae.
“Rebelde,” sabay ngiti ng driver sa kanya.
Ahh, masayang kausap itong driver ah, isip ng babae.
“Matagal ka na ba dito sa Butuan? Tanong ng driver, nasa tapat na sila ng Gaisano.”
“Opo, mga 18 taon na…”
“Uy, matagal na, college na ang mga anak mo?”
“Opo.”
“Graduate na?”
“Hindi pa, naku matagal pa.”
“Aba,” nakatingin ang babae sa isang billboard ng bagong bukas na kainan Garden Grill Site. “Uy, may bago na namang kainan!”
Tumungin rin ang driver sa bandang kaliwa niya “Ah, yan, nalampasan na natin yan.”
“Saan dapit Nong?”
“Doon sa malapit sa Hall of Justice…”
“Ahh, oo nga pala, yun pala yan. Ang dami naman nagsusulputang kainan…”
“Wala namang pangkain,” dugtong uli ng babae, mahina lang.
Tumingin ang driver sa babae.
“Alam nyo ang kailangan dito sa Butuan, mga pagawaan, para may sweldo ang mga tao…”
“Huwag kang mag-alala, five years from now, puno na tayo ng pagawaan,” panigurong sabi ng driver habang nakatutok ang paningin sa unahan.
Tumingin ang babae sa driver, “Bakit nyo naman nasabi yan?” Eh hirap na hirap nga tayo.
“Ayun na nga, sa ngayon sayad na sayad tayo, pero aangat din tayo.”
“Ahh, pero ang tagal ng pag-angat Nong…”
“Yan ang hirap kasi sa atin, pag nakaranas tayo ng hirap, para bagang panghabambuhay na, aangat din tayo, sisikat, parang araw di ba, kahit anong tagal ng ulan, sisikat at sisikat ang araw.”
Napatingin ang babae sa driver.
“Parang ako,” sabi ng driver, “minsan may pasahero, minsan wala, pero itinuturing ko paring ako ang pinakaswerteng tao sa mundo.”
Tingin uli ang babae sa driver, “Talaga Nong, bakit mo naman nasabi?”
“Kasi heto ako ngayon, nagsasarili, namomroblema ako pag walang pasahero, pero pag may sumakay, nawawala na ang problema ko.”
Naisip ng babae ang sitwasyon niya, papunta siyang iternet, susulat sa nanay niya na magpadagdag ng allotment dahil ayaw niyang mamalimos sa asawa ng pangtustos. Pero ano itong sinasabi ng driver? Tumingin uli siya sa driver,
“Nong, para kang anghel.” Nasa syudad na sila, sa junction at nagmamaniobra ang driver sa pagtawid.
Ngumiti ang driver sa babae, “Kasi alam mo, ang paghihirap natin, tayo ring tao ang may gawa, dahil sa katigasan natin ng ulo.”
Naisip ng babae ang mga manggagawa na nagpapakamatay sa pagtatrabaho pero mahirap pa rin. “Sa katigasan ba ng ulo Nong?”
“Oo, sabi ng Diyos na huwag kumain, kinain pa rin, ayan naghirap tuloy tayo.”
“Ahh,” naisip ng babae sina Eba’t Adan.
“Dun nagsimula lahat yon. Matigas ang ulo ng tao.”
“Tamo, pag nagdadasal tayo, anong sinasabi natin sa Dios? Dios ko, patawarin mp po ang mga kasalanan ko.”
“Eh ano palang dapat Nong?” Nakakunot ang noon ng babe.
“Alam mo ang kasalanan ng tao, sa tatlong bagay lang…”
Tumingin ang babae, naghihintay
“Sa isip, sa salita at sa gawa.” Sabi ng driver.
“Kaya pag humingi ka ng tawad, sabihin mo kung anong kasalanan ang inhihingi mo ng tawad, sa isip ba o sa salita o sa gawa.”
“Ahh, nababasa naman yan ng Dios Nong,” ayaw mag patalo ang babae.
“Ano? Ang Hari ng mga Hari, sa dinami dami ng ginagawa Niya, pagbabasahin mo pa ng kasalanan mo?”
Halakhak na naman ang babae.
Halatang nasisiyahan rin ang driver sa palitan nila ng babae.
“Alam mo ang Dios, ang gusto niyang alamin kung anong mabuti ang ginawa mo, yun ang binabasa niya…”
“Huwag yung paglilistahin mo pa Siya ng mga kasalanan mo,” nakatawang singit ng babae, “Kumbaga ikaw na ang maglista?”
“Ayun na nga …”
Tawa uli ang babae “ayy Nong, ipara nyo na nga ako diyan.”
“O teka, sandali.” Pumara ang dyip. “Sayang, masarap pa naman ang kwentuhan natin…”
“Oo nga Nong, salamat!”
(Based on an actual conversation that has been shared to me. I only edited and revised some lines.)
Marxist Theory:
The conversation of the driver and the woman tackled economic issues although it was not expounded that much. The driver, a member of the lower class of society seemed happy enough with his life and seem to be more contented than the woman who was frustrated about poverty in Butuan. Rebels were also tackled, these are the communist group that is against our present government. On the latter part of the conversation, the driver’s faith for the higher being was discussed. Religion and culture are parts of the superstructure.